Mahirap ang buhay sa ngayon, maraming paghihirap at pagdurusa ang kailangang suungin upang makaalpas sa kakapusan upang mabuhay sa hinaharap na panahon. Bukod sa hirap na nararanasan natin sa ngayon, nakikidagdag pa sa mga problemang ito ang ilang mga Talangkang naghihila sa atin pababa sa lusak at di pinababayaang tayo ay makaahon sa ilalim ng paghihirap na nararanasan sa maghapon ng ating buhay. Maraming hadlang upang mabuhay tayo ng mapayapa, kasing payapa ng tulad ng paninirahan sa isang paraiso na lahat ay mayroon, walang pagkukulang, walang sakit, walang kakapusan, lahat ay mayroon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang katotohanan, nandito tayo sa mundong ibabaw, nabubuhay at nakikibaka sa isang mundong may kagandahan man ay sinisira ng pag-iimbot, pagiging makasarili at kasamaan.
Kaya naman naimbento ng dakilang Tao ang iba't ibang paraan upang matakasan o minsan man lang ay malimutan ang kasawiang ito sa kanilang buhay, nakabuo sila ng iba't ibang uri ng aliwang makapagbibigay man ng tuwa, luha, poot, galit, pagkaawa, at kasayahan ay nakapagpapalubag naman ng loob ng sinumang tagatunghay o manonood ng nasabing pang aliw.
Tumatanda ang mundo at pati tayo, kasama ng mga nalikhang libangan, at ito ay nakakaroon ng sentimental na pagpapahalaga na pinananatili at iniingatan para sa iba pang henerasyong gustong makasaksi sa mga bagay na nalikha ng tao para sa tao. Mga libangang umukit na sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na dumaan na sa matitinding pagsubok at patuloy pa ring nagpupunyagi upang makaligtas sa nagbabadyang mga panganib.
Iba't ibang uri na ng libangan ang nabuo at nananatili magpahanggang ngayon, mga nobela, komiks, pelikula, TV show, at iba pa na tinatangkilik ng mga Pilipino.
Salamat sa mga libangang naimbento ng tao, kaya naman magpahanggang ngayon, masarap pa ring mabuhay sa mundo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment