Thursday, July 19, 2007
BITUING WALANG NINGNING sa Langit
Isa sa mga sumikat na Pelikula ng Dekada 80 ay ang Bituing Walang Ningning, mula sa komiks ang orihinal na istorya nito na tungkol sa isang Die hard Fan ng isang sikat na mang-aawit, na mapangmata at plastik sa fan, na naging isa ding magaling at sikat na mang-aawit sa pagdaan ng panahon at mas nahigitan pa ang iniidolo na nagkaroon ng matinding inis sa kanya. pangunahing tampok sina Sharon Cuneta bilang Dorina Pineda, ang Fan na naging sikat na mang-aawit; Cherie Gil bilang Lavinia, ang iniidulo ngunit mas nahigitan pa ni Dorina paglaon; at si Christoper De Leon ang Love interest sa pelikula.
Naisatelebisyon na rin ito na ginawa ng ABS-CBN, tampok si Sarah Geronimo bilang Dorina at Angelica dela Cruz bilang Lavinia.
Dito rin sumikat ang isang linyang di mamamatay at laging maaalala ng mga tao lalo na ng mga fans. Ang nasabing linya ay wala naman daw sa original na iskrip ng pelikula at binuo lang nina Cherie Gil at Tommy Abueg;
"you're nothing but a second rate, trying hard, copycat!"
Hanggang sa ngayon ay di pa rin nalilimutan at laging binibigyan ng papuri at parangal ang pelikulang ito, at sa pagdaan ng panahon ito ay mananatiling isang classic.
OUIJA Board ng Katatakutan
Isa na namang pelikulang pilipino ang ipalalabas sa ilan pang natitirang sinehan sa Pilipinas, ang Ouija, isang Horror film na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal kasama din sina Iza Calzado at Rhian Ramos, ginawa ng GMA Films at VIVA films. Isa pelikula na katatakutan na nagsimula sa pagkasira ng kanilang nilalarong Ouija Board sa pag-asang makakausap nila ay ang kanilang namayapang lola ngunit isang kaluluwa na kanilang nagambala at dahil dito, isa isa silang susundan ng kaluluwa upang maghiganti sa kadahilanang hindi matahimik dahil nasira na ang Ouija board na siyang tanging daan upang makabalik ang kaluluwa sa pinanggalingan nito
"bakit nyo sinira ang Ouija Board eh hindi nyo pa tapos laruin ang spirit of the glass, sinira ninyo ang kaisa-isang pintuang magiging daan niya para makabalik siya sa kanyang pinanggalingan"
Ipapalabas ang Pelikula ngayong July 25 2007

Atlantika (GMA TV Show) Gallery
Isa sa mga tinangkilik na programang pantelibisyon ay ang Atlantika, binuo ng GMA 7 na kinatatampukan nina Dingdong dantes, Iza Calzado, Katrina Halili, Isabel Oli, Paolo Contis at iba pang Pilipinong Aktor at aktres. Isang Telefantasya sa tradisyon ng Encantadia at ng iba pang telefantasya.
Masayang Aliwan
Mahirap ang buhay sa ngayon, maraming paghihirap at pagdurusa ang kailangang suungin upang makaalpas sa kakapusan upang mabuhay sa hinaharap na panahon. Bukod sa hirap na nararanasan natin sa ngayon, nakikidagdag pa sa mga problemang ito ang ilang mga Talangkang naghihila sa atin pababa sa lusak at di pinababayaang tayo ay makaahon sa ilalim ng paghihirap na nararanasan sa maghapon ng ating buhay. Maraming hadlang upang mabuhay tayo ng mapayapa, kasing payapa ng tulad ng paninirahan sa isang paraiso na lahat ay mayroon, walang pagkukulang, walang sakit, walang kakapusan, lahat ay mayroon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang katotohanan, nandito tayo sa mundong ibabaw, nabubuhay at nakikibaka sa isang mundong may kagandahan man ay sinisira ng pag-iimbot, pagiging makasarili at kasamaan.
Kaya naman naimbento ng dakilang Tao ang iba't ibang paraan upang matakasan o minsan man lang ay malimutan ang kasawiang ito sa kanilang buhay, nakabuo sila ng iba't ibang uri ng aliwang makapagbibigay man ng tuwa, luha, poot, galit, pagkaawa, at kasayahan ay nakapagpapalubag naman ng loob ng sinumang tagatunghay o manonood ng nasabing pang aliw.
Tumatanda ang mundo at pati tayo, kasama ng mga nalikhang libangan, at ito ay nakakaroon ng sentimental na pagpapahalaga na pinananatili at iniingatan para sa iba pang henerasyong gustong makasaksi sa mga bagay na nalikha ng tao para sa tao. Mga libangang umukit na sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na dumaan na sa matitinding pagsubok at patuloy pa ring nagpupunyagi upang makaligtas sa nagbabadyang mga panganib.
Iba't ibang uri na ng libangan ang nabuo at nananatili magpahanggang ngayon, mga nobela, komiks, pelikula, TV show, at iba pa na tinatangkilik ng mga Pilipino.
Salamat sa mga libangang naimbento ng tao, kaya naman magpahanggang ngayon, masarap pa ring mabuhay sa mundo...

Subscribe to:
Posts (Atom)