Monday, November 26, 2007

Si BAKEKANG


Narito ang isang larawan ni bakekang para sa komiks

Vintage Movies

Ang dekada 50 ang itinuturing na Gintong panahon ng Pelikulang pilipino sapagkat napakarami ang tumatangkilik dito. Maraming pelikula ang ginawa ng mga naglalakihang movie producer tulad ng LVN, Sampaguita, Premiere at maraming artista ang hinangaan at pinangarap ng mga manonood. Sa kasalukuyan, sanhi na rin ng iba't ibang bagay, humina na ang produksyon ng pelikula ngunit kasabay ng pananamlay ng mga malalaking movie outfits ay ang pagsibol ng iba't ibang uri ng pelikula gaya na lamang ng Indie Films.

Kasabay ng pagsikat ng pelikula noon ang mga Komiks, katunayan halos lahat ng pelikula noon ay nagmula sa Komiks ang istorya at maraming tao ang nasisiyahan na mapanood sa pinilakang tabing ang kanilang mga kinagigiliwang mga kwentong Komiks,

Kung may pagkakataon nga lamang ay nais kong mangulekta ng mga pelikula noon upang aking mapanood ang mga ito at masiyahan sa malalaman ko at pati nga komiks ay gusto ko ring magkaroon upang magkaroon ng pagkakataong masilayan ang nakaraang panahaon

Ngunit sa ngayon, tingnan na lamang niniyo ang mga Movie Poster at Ads na nasa ibaba. Sa totoo lang, lahat ng pelikulang narito ay mula sa komiks kaya enjoy viewing